Huwebes, Pebrero 21, 2013

Sikat na Pagkain Sa GenSan

}Halos lahat na ng tuna na makikita natin sa mga palengke ay galing sa Gensan dahilan na lamang ng mataas na produksyon nito. Tunay na masarap nga ang tuna maging ang mga naglalakihang paktorya ng mga de latang pagkain na tuna ay galing sa Gensan, patunay na nakilala ang Gensan dahil sa mga putaheng gawa sa tuna.

TUNA

Ito ay tanyag sapagkat sagana sa produksyon ng tuna ang Gensan, maraming tuna ang makikita roon at Kahit saan ka tumingin ay maraming nagbebenta ng tuna na may mas murang halaga. Maraming klaseng putahe ang maaring magawa sa tuna, tulad na lamang ng Inihaw na panga ng tuna, inihaw na tuna belly, kilawing tuna at marami pang iba. Madali lang ang pagluluto nito, ngunit hindi mo matitikman ang tunay na sarap kapag hindi galing sa Gensan ang tuna

Mga sikat na personalidad sa gensan


}Maraming personalidad sa industriya ang kilala sa kanilang natatanging talento. Si Manny “PacmanPacquiao ay isa sa pinkatanyag na boksingero sa panahon ngayon. Kilala rin ngayon sa showbiz si Melai Cantiveros matapos ang karera nya sa Pinoy Big Brother o PBB. Isa rin siya sa mga artistang magaling magpatawa at meron ng mga palabas sa telebisyon. Isa rin si Shamcey Supsup na nakilala dahil  siya siya’y lumahok sa Miss Universe noong 2011.

MANNY "PACMAN" PACQUIAO


  • }Unti-unting naging matunog ang pangalan ni Manny Pacquiao sa boksing matapos niyang mapatumba si Erik Morales. Naging tanyag siya dahil sa paghakot ng maraming titulo hanggang sa tumaas siya sa Welterweight division. Kahanga-hanga ang naging sagupaan nila ni Ricky Hatton dahil sa kamangha-mangha niyang bilis. Natapos ang laban sa loob ng 2 rounds at talaga nga namang nakakabilib. Nagtamo ng komplikasyon sa panga si Hatton. Natalo din ni Pacman si Oscar Dela Hoya. Itinala ni Pacman ang unang talo ni dela Hoya. 

    MELAI CANTIVEROS



}Si Melai Cantiveros naman ay nanggaling rin sa GenSan. City na sumali sa isang reality show, ang PBB. Matapos ang ilang buwan na pananatili sa bahay ni kuya, nasungkit ni Melai Cantiveros ang unang tugatog sa PBB,kaya siya ang nanalo dahil nagpakita siya ng  pakikiisa sa mga kasama niya sa bahay


SHAMCEY SUPSUP



}Si Shamcey Supsup naman ay isa sa mga babaeng maari nating ipagmalaki dahil sa kanyang kagandahan at natatanging talino. Siya ay isa sa mga nakasali sa Ms. Universe noong 2011, siya rin ang naging pangatlong tugatog sa Contest na iyon. Dahil sa kanyang talino at ganda madalas siyang naiimbentahan sa mga TV Shows.